^

PSN Palaro

Isa na lang sa Hapee, Cebuana

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Lunes

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Cebuana Lhuillier vs Cagayan

4 p.m.  Café France

 vs Hapee

 

MANILA, Philippines - Lumapit sa isang pa­nalo ang Hapee Fresh Figh­ters para makapasok sa PBA D-League Aspirants’ Cup finals nang hiyain uli ang Café France Bakers, 74-58, sa pagbu­bukas ng Final Four kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Itinulak naman ng Cebuana Lhuillier Gems sa bingit ng pagkakatalsik sa kompetisyon ang naunang walang talong Cagayan Valley Rising Suns sa inangking 89-85 panalo sa ikalawang laro.

May 20 puntos si Garvo Lanete at kalahati rito ay kanyang ginawa sa first half na nakatulong para iwanan  ng Fresh Fighters ang Ba­kers ng 13 puntos, 39-26.

May dalawang 3-poin­ters si Lanete nang magsimulang lumarga ang Hapee sa 14-5 palitan para maisantabi ang apat na puntos kalamangan ng Bakers na nasa unang pagkakataon na nakatapak sa semifinals.

Si Lanete lamang ang manlalaro ni coach Ronnie Magsanoc na nasa double-digits ngunit hindi nakaapek­to ito dahil nakita uli ang ipinagmamalaking  matibay na depensa ng koponan nang magtala lamang ng 58 puntos ang Bakers.

Ang Hapee ang number one defensive team ng liga sa ibinibigay na 59.55 sa elimination round.

“They are a disciplined team and I expect them to bounce hard  so we have to prepare,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.

Sina Joseph Sedurifa at Rodrigue Ebondo ay mayroong  tig-11 puntos para sa Bakers na nagtala lamang ng 26 percent shooting sa field sa 18-of-68 marka. May limang triples lamang ang kanilang naipasok ma­tapos ang 34 attempts.

Sinandalan ng Gems ang split ni Norbert Torres sa huling 14 segundo para maisantabi ang pagkawala ng 26-puntos kalamangan (37-11) sa first half.

“We take each game like a championship. But Cagayan won their first 11 games and they are capable of coming back,” wika ni Zamar.

Abante pa ng 15 puntos ang Gems, 81-66, nang pakawalan ng Cagayan ang 19-7 palitan, na wina­kasan ng triple ni John Tayongtong, upang makapanakot sa 88-85 iskor.

Ang mga guards na sina Simon Enciso, Almond Vosotros, Allan Mangahas at Clark Bautista ay nagsa­nib sa 62 puntos at silang nagkapit-kamay para sa malakas na panimula ng Gems na unang sinilat ang number three seed Jumbo Plastic Giants sa quarterfinals.

ALLAN MANGAHAS

ALMOND VOSOTROS

ANG HAPEE

HAPEE

PUNTOS

RONNIE MAGSANOC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with