PBA Press Corps Journalism seminar

MANILA, Philippines – Magdaraos ang PBA Press Corps ngayong araw ng ikalawang Journalism seminar at workshop sa pakikipagtulungan sa Talk ‘N Text sa Seminar hall, (Tech Services Bldg), Meralco compound, Ortigas Ave. sa Pasig City.

Kabuuang 60 delegado mula sa Polytechnic University of The Philippines-Sta.Mesa ang lalahok sa day-long workshop na itinataguyod ng Meralco Bolts at NLEX.

Bubuksan ni PBA Season 40 chairman Patrick Gregorio, kumakatawan sa Talk ‘N Text sa PBA Board, ang workshop sa ganap na alas-9 ng umaga.

Si PBA Press Corps treasurer Ri­chard Dy ng Spin.ph ang magsasalita sa Newswriting, habang si Nelson Beltran ng Philippine Star ang tatalakay sa Feature writing at si PBA Press Photographer president Tony Pionilla ng Manila Bulletin ang maglalahad sa Photojournalism.

 

Show comments