NU Bullpups kuha ang No. 2

MANILA, Philippines – Inangkin ng nagdedepensang kampeon Natio­nal University Bullpups ang ikalawang puwesto sa team standings nang ilampaso ang Adamson Baby Falcons, 72-45, sa 77th UAAP juniors basketball playoff kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Nagtala si Mark Dyke ng 23 puntos at 26 rebounds bukod sa dalawang assists at isang steal sa 31 minutong paglalaro para pangunahan ang Bullpups na nag-bye sa unang laro sa step-ladder semifinals.

Nagkaroon ng playoff dahil ang NU, Adamson at La Salle Zobel ay tumapos sa 9-5 baraha at nagsalo sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.

Dahil sa pagkatalo, ang Baby Falcons at La Salle Zobel ang maglalaban sa Huwebes para madetermina kung sino ang katunggali ng NU.

Ang Ateneo Eaglets na winalis ang 14-game elimination ay pumasok na sa Finals at may thrice-to-beat advantage.

Sina Philip Manalang, Jordan Sta. Ana at John Clemente ay may 15, 13 at 12 puntos para sa NU na ginamit ang lakas sa rebounding, 69-29.

Show comments