MANILA, Philippines – May dalawang-daang kabataan edad 8 hanggang 13-taon ang lumahok at naglaro ng tradisyonal na larong Pinoy kasama sa pagratsada ng Pinoy Sports noong Enero 31 sa Hacienda Luisita, Tarlac City.
Ang mga bata ay sumali sa Fun Run, Hilahang Lubid, Patintero, Luksong Tinik, Sipa at Luksong Baka para sa kampanya ng Yellow Ribbon Movement na muling buhayin ang ispiritu ng etnikong laro sa Pilipinas.
“We need to live a balance life. And we should start early with children. The right diet and the right exercise for our youth. YRM will start a revolution to relive larong Pinoy in our youth,” wika ni YRM president Margie Juico, ang taga sulong ng programa.
“Tarlac is truly blessed. We thank the YRM for choosing Tarlac to be the venue for the YRM’s 3rd leg of the PNoy Sports Preventive Health Program. This was to commemorate the birthdate of our kababayan and former President Corazon C. Aquino. We salute the YRM Movement for such a very noble endeavor in preserving, saving and protecting our traditional sports,” pahayag ni Board member Cristy Angeles.
Ito ang ikatlong edisyon ng proyekto dahil naidaos na ito sa Quezon City Memorial Circle noong Agosto 2013 at sa Rizal Park noong Nobyembre 2014.
“Ethnic sports is our tradition. We are proud to bring this to the North, particularly to Tarlac, the home of two great presidents and a national hero,” ani pa ni Juico.
Pinasaya ang mga dumalo sa pag-awit ni Wilson G. ng Urban Flow ng mga pamosong kanta na Miss Pakipot, Crazy Walk at Handog Revives.