Pacquiao, Mayweather nagkita, nag-usap sa NBA game

Screengrab mula sa Twitter account ni @KarenCivil.

MANILA, Philippines – Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ang dalawang premyadong boksingero sa isang NBA game.

Nagkita, nag-usap, nagkamayan at nagpalitan ng numero sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather habang nanonood ng Miami Heat kontra Milwaukee Bucks.

Si Mayweather ang lumapit kay Pacquiao habang halftime ang aksyon sa basketball at ayon sa mga ulat ay napag-usapan ng dalawa ng kanilang nilulutong laban.

“He gave his number to me and said we will communicate with each other,” sabi ni Pacquiao ayon sa ulat ni Ti Reynolds ng Associated Press.

Ito ang unang pagkakataon na nagkita ang dalawang boksingero kaya naman lalong umaasa ang mga fans na matutuloy na ang sinasabing isa sa pinakamalaking laban sa mundo ng boksing.

Show comments