^

PSN Palaro

3 qualifying rounds inilatag para sa Ronda Pilipinas 2015

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bubuksan ng Ronda Pilipinas 2015, inihahandog ng LBC, para sa lahat ng mga Filipino bikers ang karerang na­katakda sa Pebrero 8-27 na magsisimula sa Butuan City at mag­tatapos sa Baguio.

Nasa kanilang pang-limang edisyon, ang nationwide bicycle road race ay magkakaroon ng mga Qualifying Rounds sa Mindanao, Visayas at Luzon.

Ang Mindanao qualifying round ay nakatakda sa Pebfrero 8-9 sa Butuan City, Cagayan de Oro, Tubod sa Lanao del Norte at Dipolog, habang ang Visayas qua­lifying leg sa sa Pebrero 11-12 sa Dumaguete, Sipalay at Bacolod.

Pakakawalan ang Luzon elimination sa Pebrero 15-16 sa Antipolo City at Tarlac.

Humigit-kumulang sa 100 riders ay kukunin mula sa naturang tatlong qualifying races para sa Championship round sa Luzon kung saan nila makakasama si 2014 Ronda Pilipinas champion Reimon Lapaza ng Butuan City bukod pa ang Asian Cycling Championship-bound national cycling team na pinamumunuan nina Mark Galedo at Ronald Oranza.

Isang nine-man composite European team na binu­buo ng mga Danish cyclists ang makikipag-agawan din sa premyong P1 milyon na inilalatag ng LBC.

ANG MINDANAO

ANTIPOLO CITY

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIP

BUTUAN CITY

LUZON

MARK GALEDO

PEBRERO

QUALIFYING ROUNDS

RONDA PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with