^

PSN Palaro

Warriors tinambakan ang Nuggets ng 43 points; Mavericks sumandal kay Nowitzki laban sa Grizzlies

Pilipino Star Ngayon

OAKLAND, Calif. – Pu­mirma si James Michael McAdoo ng isang 10-day con­tract noong Lunes ng uma­ga matapos hugutin mu­la sa NBA Development League.

Kinahapunan ay ipinagmalaki siya ng kanyang mga teammates at fans para sa kan­yang debut game at pa­nalo.

Ito ang klase ng season para sa Golden State Warriors - lahat ay nagsisikap at lahat ay nagbibigay ng kon­tribusyon.

Ang lahat ng 13 players sa active roster ay umiskor at nadulpika ng NBA-lea­ding na Warriors ang ka­ni­lang franchise record na 16 sunod na panalo matapos ilampaso ang Denver Nuggets, 122-79.

''I told the guys after the game, 'I'm not taking this for granted,''' sabi ni Warriors coach Steve Kerr. ''This is so unique to have a group pull for each other that exhibits the selflessness where, from one night to the next, somebody isn't going to get a lot of points or a lot of shots. And it doesn't seem to bother them.''

Dinomina ng Warriors (33-6) ang Nuggets kaya la­hat ng ipinasok na player ay nakaiskor.

Kumamada si Klay Thompson ng 22 points, ha­­bang nagtala si Stephen Cur­ry ng 20 points at 8 assists at hindi naman nagpa­pigil ang kanilang mga reserves sa fourth quarter.

Kasama rito si McAdoo, kinuha ng Warriors mula sa kanilang D-League affiliate sa Santa Cruz.

Tumapos si McAdoo na may 11 points at 5 rebounds.

Ang panalo sa Denver ang nagbasura sa naunang 126-86 paggiba ng Golden State laban sa Philadelphia noong Disyembre 30 para sa pinakamalaking winning margin  ngayong season.

Sa Memphis, tumipa si Dirk Nowitzki ng 21 points, kasama ang walo sa hu­ling dalawang minuto, para tulungan ang Dallas Mave­ricks sa 103-95 panalo kon­­tra sa Grizzlies.

Kinuha ng Grizzlies ang isang two-point lead sa hu­ling 4 minuto ngunit kuma­mada ang Mavericks ng 14-4 ratsada para agawin ang panalo.

Nagsalpak si Nowitz­ki ng dalawang mid-range fadeaway jumpers, isang lay­up at dalawang free throws.

Sa Cleveland, umiskor si LeBron James ng 26 points at nagdagdag si J.R. Smith ng 20 para ban­derahan ang Cavaliers sa 108-94 panalo kontra sa Chi­cago Bulls.

Tumipa sina Jimmy Butler at Derrick Rose ng tig-20 markers para sa Bulls.

Muling naglaro ang Chicago nang wala si starting center Joakim Noah, ka­salu­kuyang may sprained ankle, injury, sa ikatlong su­nod na pagkakataon.

DALLAS MAVE

DENVER NUGGETS

DERRICK ROSE

DEVELOPMENT LEAGUE

DIRK NOWITZKI

GOLDEN STATE

GOLDEN STATE WARRIORS

JAMES MICHAEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with