^

PSN Palaro

Ivanovic, 3 pang seeded players sibak agad

Pilipino Star Ngayon

MELBOURNE, Australia – Pinangunahan ng fifth seeded na si Ana Ivanovic ang mga pinaniwalaang palaban na namaalam sa first round ng Australian Open noong Lunes.

Ang dating number one player at French Open champion ay nasibak kayCzech qualifier Lucie Hradecka, 1-6, 6-3, 6-2.

Nakasama ni Ivano­vic na namaalam sa mga seeded players ay sina Svetlana Kuznetsova (27th), Belinda Bencic (32nd) at Sabine Lisicki (28th).

Si Kuznetsova na 2004 US Open at 2009 French Open champion ay natalo kay Caroline Garcia ng France, 4-6, 2-6; si Bencic ay namaalam kay Julian Goerges sa loob lamang ng isang oras na tagisan, 2-6, 1-6; at si Lisicki ay yumuko kay Kristina Mla­denovic ng France, 6-4, 4-6, 2-6.

“I played okay in the beginning. Just I felt se­cond and third set I really dropped my level,” wika ni Ivanovic na noong 2011 pa huling lumasap ng pagkatalo sa first round.

Samantala, inianunsyo ni Rafael Nadal ang kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng 6-3, 6-2, 6-2, panalo laban kay Mikhail Youzhny ng Russia.

Naroon uli ang mga pamatay na returns ni Naval na napahinga ng ilang buwan dahil sa injuries at pagkakasakit.

Tinapos ng third-see­ded Spaniard ang larong tumagal halos ng dalawang oras gamit ang ma­tinding cross-court volley  para pagpahingahin ang 32-anyos na katunggali na dating nasa top 10 sa kalalakihan.

Sunod na kalaban ni Nadal alinman kina Luke Saville ng Australia o Tim Smyczek ng US.

ANA IVANOVIC

AUSTRALIAN OPEN

BELINDA BENCIC

CAROLINE GARCIA

FRENCH OPEN

JULIAN GOERGES

JUST I

KRISTINA MLA

LUCIE HRADECKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with