^

PSN Palaro

Galedo babalikat sa Pinas sa 6th Le Tour

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang nagdedepensang si Mark John Lexer Galedo ang mangunguna sa laban ng Pilipinas sa sixth edition ng Le Tour Filipinas na na­katakda sa Pebrero 1-4.

Ang 29-anyos na si Ga­ledo ang pinakamatanda sa PhilCycling national team ngunit sanay na sa mga mabibigat na kompe­tisyon.

Nagkampeon siya sa Le Tour ilang buwan matapos angkinin ang gintong me­dalya sa individual road race ng 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

Makakatulong ni  Galedo para sa 2015 Le Tour na inihahandog ng Air21 ka­­sama ang MVP Sports Foun­dation at Smart si Ro­mald Lomotos, ang pinakabata sa grupo sa edad na 20-anyos at No. 267 sa kon­tinente.

Kasama rin sa grupo si­na George Oconer (No. 161), Incheon Asian Games veteran Ronald Oran­za (No. 255) at Jun Rey Navarra.

“These young riders are the future of Philippine cycling,” sabi ni PhilCycling president Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” To­lentino.

Idinagdag ni Tolentino na ang naturang mga ri­ders ay maaaring ilahok sa 2015 Asian Cycling Championships na nakatakda sa Peb­rero 10-14 sa Thailand.

Magbabalik naman sa karera  ang 7-Eleven-Road Bike Philippines sa Le Tour, suportado ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nor­disk Pharmaceuticals Phils. at Canon bilang mga major sponsors.

Ang nasabing koponan ay kinabibilangan nina Filipino Cris Joven, Edgar No­hales Nieto at Angel De Julian Vasquez ng Spain at Kenny Nijssen ng Ne­therlands.

Hindi pa pinapangalanan ang pang-lima nilang mi­yembro.

Kabuuang 12 continental teams at dalawang national squads ang sasabak sa Le Tour, ang brainchild ni Air21 at PhilCycling chairman Bert Lina at inorganisa ng Ube Media.

Ang mga continental teams na kasali sa Le Tour ay ang Team Novo Nor­disk (USA), ang unang professional cycling team na binubuo ng mga riders na may Type 1 Diabetes, ang RTS Santic Racing Team at Attaque Team Gus­to ng Taiwan, Singha Infinite Cycling Team ng Thai­land, Navitas Satalyst Racing Team ng Australia, CCN Cycling Team ng Bru­nei, Pegasus Continen­tal Cycling Team ng Indonesia, Terengganu Cycling Team ng Malaysia at ang Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan.

ANGEL DE JULIAN VASQUEZ

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIPS

ATTAQUE TEAM GUS

BERT LINA

CYCLING

CYCLING TEAM

LE TOUR

SHY

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with