^

PSN Palaro

Dikit o tabla?

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humugot si Sonny Thoss ng walo sa kanyang 10 points sa fourth quarter kung saan nakaba­ngon ang Alaska mula sa 21-point deficit para kunin ang 2-1 abante sa kanilang best-of-seven championship series ng San Miguel noong Linggo.

Bukod sa kanyang produksyon ay mahigpit na depensa rin ang ibinigay ng 6-foot-8 na si Thoss kay 6’10 at Most Valuable Player June Mar Fajardo.

Sinabi ng 33-anyos na slotman na hindi sila dapat magkumpiyansa sa kabila ng kanilang bentahe sa serye.

“We’ve got to take it one game at a time. And for us to take advantage of this, we’ve got to play the next game with the same defensive mindset,” wika ni Thoss.

Puntirya ang malaking 3-1 kalamangan sa serye, sasagupain ng Aces ang Beermen sa mahalagang Game Four ngayong alas-7 ng gabi sa 2014-2015 PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Thoss, ang mabigat nilang depensa ang nagpapanalo sa kanila laban sa San Miguel.

“They came in with a defensive mindset in a 48-minute game,” ani Thoss sa kanyang mga kakamping sina Calvin Abueva, Vic Manuel at guard Ping Exciminiano.

“It’s not over until the buzzer sounds, and the guys just left it all on the line.”

Si Exciminiano, tumapos na may 8 points at  3 assists sa loob ng 16 minuto, ang dumepensa laban kina San Miguel guards Alex Cabagnot at Chris Ross.

Pinuwersa ng Aces ang Beermen sa kabuuang 16 turnovers sa Game Three kung saan ang anim dito ay nangyari sa final canto.

“Sayang lang. Naki­pagsabayan kasi kami sa game nila eh,” sabi ni Fajar­do. “Dapat relax na lang kami nun. Binabagalan na lang dapat namin ‘yung game kasi lamang na kami ng malaki.”

Sa kabila ng 1-2 agwat sa serye, tiwala pa rin si coach Leo Austria na makakatabla ang San Miguel sa Alaska ni American mentor Alex Compton.

“This is a long series and we’re capable of winning,” ani Austria.

“The potential is there and it’s up to us. But I can only do so much.”

Ang suporta kay Fajar­do nina Arwind Santos, Chris Lutz, Marcio Lassiter, Cabagnot at Ross ang inaasahan ni Austria sa Game Four para makatabla sa serye.

ALEX CABAGNOT

ALEX COMPTON

ARWIND SANTOS

BEERMEN

BUT I

GAME

GAME FOUR

SAN MIGUEL

THOSS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with