Rockets pinasabog ang Nets, Howard, Garnett nagkasakitan

Inulo ni Kevin Garnett ng Brooklyn Nets sa mukha si Dwight Howard ng Houston sa first quarter makaraan ang dalawa ay magkainitan sa kanilang laban sa Barclays Center sa New York.

NEW YORK – Maa­a­ring sumasakit pa ang mukha ni Houston Roc­kets’ center Dwight Howard mula sa headbutt sa kanya ni Kevin Garnett at ngayon ay nabibingi naman ang kanyang tenga sa mga buska ng mga fans ng Brooklyn Nets.

Ngunit hindi ito pinansin ni Howard.

“As long as we win the game, that’s all that matters,” sabi ni Howard. “We’ve got 82 games and the playoffs. I’ll do my da­mage when it’s time.”

Umiskor si James Har­den ng 30 points sa gabi kung saan nag-away sina Howard at Garnett para ibandera ang Rockets sa 113-99 panalo laban sa Nets.

Napatalsik sa laro si Gar­nett sa first quarter matapos ang headbutt niya kay Howard sa mukha bukod pa ang pagbato niya ng bola sa Houston slotman.

Natawagan naman si Howard ng isang technical foul nang suntukin sa leeg si Garnett.

Tumapos si Howard na may 8 points at 5 rebounds, ngunit hindi na siya halos kinailangan ng Rockets sa shaded lane matapos magsalpak ng 16 3-poin­ters mula sa 40 attempts.

Umiskor naman si Mason Plumlee ng career-high 24 points para sa Nets na nalasap ang kanilang pang-anim na sunod na kamalasan.

Nagalit si Garnett matapos matawagan ng foul kay Howard sa 7:53 minuto sa first quarter.

Nagtulakan ang dalawang player bago batuhin ng bola ni Garnett si Ho­ward sa likod at nang magkaharap sila ay ibinangga ni Garnett ang kanyang ulo malapit sa bibig ni Howard.

Sa iba pang resulta, tinalo ng Bostons ang New Orleans, 108-100; tinakasan ng Detroit ang Toronto, 114-111; at giniba ng Orlando ang Chicago, 121-114.

Show comments