Falcons sinamahan ang Bulldogs sa itaas
MANILA, Philippines - Tinablahan ng Adamson Falcons ang nagdedepensang kampeon National University Bulldogs nang kunin ang 25-20, 25-21, 25-23, panalo sa FEU Tamaraws sa pagtatapos kahapon ng 77th UAAP men’s volleyball sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ginamit ng Falcons ang galing sa net game para wakasan ang unang round bitbit ang 6-1 baraha.
Ito rin ang baraha ng Bulldogs nang matalo sa Ateneo Blue Eagles noong Sabado pero hinawakan ng NU ang unang puwesto dahil sa straight sets panalo na nakuha sa unang laro ng liga noong Nobyembre 22.
Si Michael Sudaria at Christopher David ay may 10 at walong hits na kinuha sa kills para tulungan ang Falcons sa 39-31 bentahe.
May 14 hits si Greg Dolor pero kinulang siya ng suporta para bumaba ang Tamaraws sa 2-5 baraha.
Ang larong ito ay dapat ginawa noong Linggo ng umaga pero hindi naidaos dahil nagkaproblema sa kuryente sa venue.
- Latest