Pacquiao vs Mayweather ngayon Enero malalaman kung tuloy
MANILA, Philippines - Kinumpirma mismo ni eight-division champion Manny Pacquiao na gumugulong pa rin ang negosasyon para sa nilulutong bakbakan nila ni Floyd Mayweather Jr.
Sinabi ni Pacquiao kagabi matapos manood ng PBA Finals sa Araneta Coliseum na ngayong buwan din malalaman kung tuloy ang sinasabing "richest fight in boxing history."
Ilang beses nang hinamon ni Pacquiao ang undefeated American boxer na tinugunan naman ni Mayweather.
Sa isang panayam ay sinabi ni Mayweather na nais niyang maganap ang bakbakan sa Mayo, ngunit hindi pa rin matiyak ang laban hangga't hindi pa nagkakapirmahan ng kontrata.
Nauna nang hiniling ng Amerikano na mas malaki dapat ang kanyang kikitain kaysa kay Pacquiao. Ito ay sinang-ayunan naman kaagad ng Pilipino.
- Latest