Lady Chiefs, Generals uupuan ang Finals

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

8 a.m.  Lyceum vs EAC (Jrs)

10:00 a.m.  San Sebastian vs Perpetual (Jrs)

12 nn  Arellano vs St. Benilde (W)

2 p.m.  San Sebastian vs Perpetual Help (W)

4 p.m.  EAC vs Perpetual Help (M)

6 p.m. Arellano vs St.Benilde (M)

MANILA, Philippines – Walisin ang tatlong laro ang pagsisikapan ng Arellano Lady Chiefs at EAC Gene­rals sa pagtatapos ng semifinals sa 90th NCAA volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Makakalaban ng Lady Chiefs  ang St. Benilde La­dy Blazers sa ganap na alas-12 ng tanghali at hanap ang  3-0 baraha na magtutulak sa koponan sa puwesto sa championship round.

Ganito rin ang pakay ng Generals na hindi pa natatalo matapos ang 11 laro, sa pagsukat sa four-time defending champion Perpetual Help Altas dakong alas-4 ng hapon.

May 1-1 baraha ang Altas at kailangan nilang daigin ang Generals para tumibay ang paghahabol ng puwesto sa best-of-three finals.

Sa iba pang laro sa ka­­babaihan, ang multi-ti­tled San Sebastian Lady Stags ay magtatangka ng kanilang ikalawang panalo matapos ang tatlong laro laban sa Lady Altas habang 2-1 karta ang pagsisikapan ding gawin ng Blazers laban sa Chiefs.

Sakaling magkaroon ng tabla para sa upuan sa finals, ito ay babasagin gamit ang quotient.

Samantala, wawalisin din ng Perpetual Junior Altas ang tatlong laro sa junior division sa pagharap sa wala pang panalong San Sebastian Staglets sa ikalawang laro dakong alas-10 ng umaga.

Selyado na ng Junior Altas ang upuan sa championship round dahil ang Lyceum Junior Pirates at EAC Brigadiers na parehong may 1-1 karta ang magtutuos sa ikalawa at huling upuan sa unang laro sa ganap na alas-8 ng umaga. (AT)

Show comments