^

PSN Palaro

P1.83M retirement benefits ng mga atleta ibibigay na ng PSC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpapalabas ang Philippine Sports Commission (PSC) ng pondong P1.83 milyon bilang “retirement benefits” ng first batch ng mga dating atletang humiling nito sa ilalim ng  Republic Act 9064 o the Incentives Act.

Pinamumunuan ni retired cuemaster Antonio Gabica, nagwagi ng gold medal sa 9-ball singles noong 2006 Asian Games, ang grupo ng 17 dating atleta na maaari nang makuha ang kanilang mga tseke.

Sa ilalim ng RA 9064, ang isang national athlete na nagwagi sa Southeast Asian Games, Asian games, Olympics at sa quadrennial world championships ay maaaring ma­kakuha ng lump sum na katumbas ng 25 porsi­yento sa kanyang kabuuang cash incentives mula sa pagsisimula ng kanyang career hanggang sa pagreretiro niya.

Tatanggap si Gabica ng P427,500 bilang retirement pay.

Nauna na siyang nakatanggap ng P1.7 mil­yon para sa kanyang mga tagumpay.

Sina ex-boxers Joan Tipon at Violita Payla ay ta­tanggap ng P287,500 at P252,500, ayon sa pagkakasunod.

Si Tipon ang naghari sa bantamweight division sa SEA Games sa Bacolod at sa sumunod na Asiad, habang nagdomina si Payla sa flyweight class sa Doha Asian Games.

Makakakuha rin ng kanilang mga retirement pays sina Olympian boxer Harry Tañamor (P187,500), Busan Asiad 9-ball doubles champ Antonio Lining (P150,000), 2005 SEAG gymnastic gold winner Roel Ramirez (106,834) at nine-time SEAG judo champion John Baylon (P100,000).

Ang iba pang retired pugs na kasama sa first batch ay sina Mitchel Martinez (P40,000), Larry Semillano (15,000), Juanito Magliquian, Jr. (P37,500), Joegin Ladon (P27,500), Doha Asiad bronze me­dalists Genebert Basadre (P50,000) at Godfrey Castro (P37,500)  at Bill Vicera (P27,500).

Ang iba pa ay sina Olympian marathoner Roy Vence (P37,500), Bangkok Asiad bronze medalist Manel Ycasas (P25,000) at wushu artist Mary Jane Estimar (P25,000).

Ang retirement lump sum ay kinukuha ng PSC sa Philippine Amusements and Gaming Corp. (Olmin Leyba)

 

 

vuukle comment

ANTONIO GABICA

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BANGKOK ASIAD

BILL VICERA

BUSAN ASIAD

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES

GENEBERT BASADRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with