^

PSN Palaro

Generals, Blazers lumapit sa finals ng NCAA men’s volleyball tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nawalan ng loob ang Generals sa kabila ng kabiguan sa first set.

Bumangon ang Emilio Aguinaldo College mula sa first set loss para talunin ang Arellano University, 24-26, 25-19, 25-21, 25-17, at palakasin ang kanilang pag-asa sa ikalawang championship appearance sa 90th NCAA men’s vol­ley­ball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Nagpasabog si Howard Mojica ng match-high na 24 hits, ang 21 ay mula sa kills, para sa unang panalo ng Generals sa semifinal round at makalapit sa una nilang best-of-three finals stint.

Nakapasok ang EAC sa finals noong nakaraang taon ngunit pinayukod sila ng Perpetual Help para sa pang-apat na sunod na ti­tulo ng Altas.

Ngayong season ay hin­di pa natatalo ang Ge­nerals ng isang laro sa ka­nilang 10 asignatura, ka­sama dito ang nine-game sweep sa elimination round.

Pinalakas din ng College of St. Benilde ang ka­nilang tsansa sa finals nang gulatin ang Perpetual Help, pinupuntirya ang kanilang pang-limang sunod na kam­peonato, mula sa 25-12, 29-27, 19-25, 25-20 ta­gumpay.

Humataw si Johnvic de Guzman ng 33 hits para sa pagpapatumba ng Blazers sa Altas.

ALTAS

ARELLANO UNIVERSITY

BUMANGON

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

HOWARD MOJICA

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with