‘Skywalker’ ipinagpapatuloy ang laban

Samboy Lim

MANILA, Philippines - Ang isang basketball player na kagaya ni Samboy Lim ay hindi basta-bas­ta bumibigay sa mga la­ban.

Mapapatunayan ito sa kasalukuyang kondisyon ng 52-anyos na si Lim na patuloy na lumalaban sa os­pital para sa kanyang bu­hay.

“With the will power of Samboy – malakas ang loob niyan eh,” sabi kaha­pon ni PAG-IBIG Fund chief executive Darlene Ber­berabe, ang dating asa­wa ni Lim, sa panayam ng ANC.  “So wala akong du­da. Kung doon lang na­kabase ‘yun, alam ko na he will be able to recover.”

Kumulapso ang 6-foot-1 na PBA great sa bench ma­tapos ireklamo ang pa­na­nakit ng mga balikat sa isang PBA Legends exhibition game noong Nobyembre 28.

Kaagad siyang isinugod sa ospital at nalagay sa co­matose.

Sa pinakahuling kalaga­yan ni Lim ay nakapagbukas na ito ng kanyang mga ma­ta.

“He’s been opening his eyes. Na-observe namin ‘yun two weeks ago,” wika ni Berberabe kay Lim.

Umaasa si Berberabe na ito na ang simula ng pag­buti ng kondisyon ni Lim, pro­dukto ng Letran Knights ay isang two-time Second Mythical Team member at hinirang na All-Star Game Most Valuable Player matapos umiskor ng 42 points no­ong 1990.

“I hope that such milestones will start from the ope­ning of the eyes. May iba na patients, they could not even open their eyes,” ani Berberabe.

Kasalukuyan pa ring su­masailalim si Lim sa an­tibiotic treatment at phy­sical therapy at plano ng kanyang pamilya na mag­lagay ng isang hospital room sa kanilang tahanan.

“May mga konti na lang na tinatapos na anti­bio­tic treatment and physical therapy, to train him to be upright and be able to sit,” sabi ni Berberabe.

“We were setting up a hospital room (at home), we’ve engaged around-the-clock nursing care, a doctor who will do home visits, and physical therapy at home,” dagdag pa nito pa­ra sa pag-uwi ni Lim.

Show comments