^

PSN Palaro

PSC sinimulan na ang fitness test sa mga atleta

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinimulan kahapon ang fitness test sa mga atletang nasa pangangalaga ng Phi­lippine Sports Commission.

Nangasiwa sa pagsusuri sa kondisyon ng Pambansang aleta ang mga banyagang sports science experts na sina Terry Rowles at Dr. Scott Lynn at ito ay ginawa sa Philsports sa Pasig City.

Nasa 40 atleta mula sa dragon boat at canoe-kayak ang unang sinuri ng dalawa na ang dahilan ng pagbisita sa bansa ay para isagawa ang Sports Science seminar 6 at 7 mula Lunes hanggang Miyerkules sa Philsports Arena.

“Ito ay bahagi ng prog­rama ng PSC na i-assess ang kondisyon ng mga atleta. Gagawin ito hanggang sa Sabado at iba’t-ibang batch ng atleta ang haharap,” wika ni PSC executive director Atty. Guillermo Iroy.

Ang makikita sa pagsu­suri ay magagamit ng mga National Sports Associations (NSAs) para rito buuin ang kanilang training programs.

Mahalaga ang magkaroon ng magandang kondis­yon ng mga atleta dahil naghahanda ang Pilipinas para sumali sa SEA Games sa Singapore mula Hunyo 5 hanggang 16.

Samantala, dumarami na rin ang nagpapatala para sa tatlong araw na seminar.

Ang programa na inimplementa ni PSC chairman Ricardo Garcia ay sinimulan noong 2013 at ipinamamahagi ng mga dayuhang speakers ang makabagong pamamamaraan ng pagsasanay gamit ang sports science sa kalalakihan at kababaihan.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nasa bansa si Rowles habang unang pagbisita naman ito kay Lynn. (AT)

DR. SCOTT LYNN

GUILLERMO IROY

NATIONAL SPORTS ASSOCIATIONS

PASIG CITY

PHILSPORTS ARENA

RICARDO GARCIA

SPORTS COMMISSION

SPORTS SCIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with