Perpetual Spikers gustong makauna

Inabangan nina Jamela Suyat (4) at Cindy Imbo (10) ng nagdedepensang University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Lady Altas ang bola habang nakaporma rin sina  Lady Blazers’ Chelsea Santillan (9), Welch Cheng (2) at Jeanette Panaga (6) sa huli nilang laban sa NCAA na pinagwagian ng Las Piñas City- based volleybelles (25-20, 30-28, 25-23).

MANILA, Philippines – Mahalagang unang panalo ang balak kunin ng mga koponan ng Perpetual Help sa pagsisimula ng 90th NCAA volleyball semifinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Lady Altas na balak itarak ang ikaapat na sunod na titulo, ay makakaharap ang St. Benilde Lady Bla­zers sa ikalawang women’s match dakong alas-2 ng hapon.

Unang labanan sa ka­babaihan ay sa hanay ng Arellano Lady Chiefs at San Sebastian Lady Stags sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Ang dalawang laro sa kababaihan ay mapapanood ng live sa AksyonTV Channel 41.

Ang four-time champion na Altas ay makikipagbunuan sa Blazers sa alas-4 ng hapon habang ang EAC at Arellano ang magtutuos sa huling laro dakong alas-6 sa men’s division.

Ang Altalettes ay mapapalaban sa EAC Brigadiers sa alas-10 ng umaga matapos ang unang laro sa juniors na Lyceum Junior Pirates at San Sebastian Staglets sa ganap na alas-8 ng umaga.

Round robin ang mangyayari sa apat na nakata­yong koponan sa juniors, men’s at women’s divisions at ang mangungunang dalawang koponan ang magkikita sa championship na inilagay sa best-of-three series.

Show comments