Pacquiao muling hiniritan si Mayweather sa Instagram

File photo ni eight-division champion Manny Pacquiao. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines – Sa social media muling idinaan ni eight-division champion Manny Pacquiao ang paghamon kay undefeated American boxer Floyd Mayweather na ituloy na ang kanilang laban.

Sa post ni Pacquiao ay sinabi niyang naghihintay lamang siyang pirmahan ni Mayweather ang kontrata upang matuloy na ang sinasabing richest match in boxing history.

“Floyd brags about his lifestyle and everything! I don't care! I'm just waiting here for him to sign the contract! #fightpacquiao,” nakasaad sa caption ng larawan.

Sumagot nitong nakaraang buwan si Mayweaher at sinabing nais niyang gawin ang laban sa Mayo, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito tiyak hangga't hindi nagkakapirmahan ng kontrata.

Show comments