UAAP pahinga sa pagdating ng Santo Papa

MANILA, Philippines – Ititigil ang mga laro sa UAAP sa pagbisita ng Santo Papa mula Enero 15 hanggang 19.

Ang huling laro na mangyayari sa 77th season ay ang bakbakan ng magkaribal na paaralan na La Salle at Ateneo sa women’s volleyball sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Matapos nito ay bakasyon uli ang liga habang nasa bansa si Pope Francis’ at babalik ang laro sa Enero 21.

Ang football ay titigil matapos ang double-hea­der sa FEU-Diliman pitch sa Enero 14.

Sa Enero 21 din babalik ang laro at gagamitin ang FEU-Diliman at Moro Lorenzo Football Field sa Ateneo para pagsabay-sabayin ang apat na tunggalian.

Kahit ang  pagsisimula ng chess (round 1 at 2) sa Enero 10 at 11 sa Henry Sy Sr. Building sa De La Salle campus ay ipinagpaliban din.

Show comments