Batang Azkals dapat nang alagaan

MANILA, Philippines – Pabor si dating Azkals captain Chieffy Caligdong na isabak ang mga bagitong football players sa mga high-level competitions kagaya ng ginawa ni coach Thomas Dooley sa 19-anyos na defender na si Amani Aguinaldo.

“As early as ma-expose sila sa laro, the better,” ani Caligdong, isa nang C license coach at dating miyembro ng Philippine Azkals.

Nagretiro si Caligdong sa international playing duties noong nakaraang taon para bigyan ng pagkakataon ang mga batang players.

Ang 32-anyos na si Caligdong ay isa pa ring active player sa United Football League.

Si Aguinaldo ay inilagay sa starting role sa 2014 Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup at sa 2014 Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup matapos mag­karoon ng injury si veteran Juani Guirado.

Nakatakdang mapabilang si Caligdong sa coaching staff ng isa sa mga national youth teams.

Show comments