James, Curry nangunguna sa NBA All-Star voting

NEW YORK--Patuloy ang pangunguna nina Le­Bron James at Stephen Curry sa hanay ng mga NBA All-Star vote-getters matapos ang ikalawang pagbibilang ng mga fan ballots.

Nakakuha si James ng Cleveland Cavaliers ng 775,810 votes sa Eastern Conference frontcourt spot, habang nakakolekta si Curry ng Golden State Warriors ng 755,486 sa listahan ng mga Western Conference guards.

Namumuno naman sa East frontcourt sina Pau Ga­sol ng Chicago Bulls at New York’s Knicks superstar Carmelo  Anthony.

Si Washington Wizards’ guard John Wall ang leading vote-getter sa East backcourt, kasunod si Dwyane Wade ng Miami Heat.

Pumapangalawa si Kobe Bryant ng Los Ange­les La­kers kay Curry sa West backcourt, habang ang frontcourt ay pinamumunuan nina New Orleans Pelican’s forward Anthony Davis, Los Angeles Clippers star Blake Griffin at Memphis center Marc Gasol.

Ang botohan ay hanggang sa Jan. 19 at ang mga starters para sa Feb. 15 All- Star Game sa New York ay ihahayag sa Jan. 22.

 

Show comments