MANILA, Philippines – May posibilidad na lumaban si Nonito Donaire Jr. sa Pilipinas sa taong ito.
Ayon kay Bob Arum ng Top Rank, may plano ang local network ABS-CBN na isama si Donaire sa bubuuing fight card sa Marso at kung matuloy ito ay magkakaroon ng pagkakataon ang tinaguriang “Filipino Flash” na maipakita ang galing sa harap ng mga kababayan sa ikalawang pagkakataon lamang sa makulay na boxing career.
Noong Abril 19, 2004 unang lumaban si Donaire sa Pilipinas at ginawa ito sa Araneta Coliseum at nanalo sa pamamagitan ng fourth round knockout kontra kay Raul Martinez tungo sa matagumpay na pagdepensa sa dating pag-aari na IBF at IBO flyweight titles.
Mahalaga para kay Donaire ang manalo sa unang laban para ianunsyo ang pagbangon mula sa sixth round technical knockout na pagkatalo kay Nicholas Walters noong Oktubre 18 para mahubad ang hawak na WBA Super World featherweight crown.
“There is a plan by network ABS-CBN for Donaire to fight in Manila in March,” pahayag ni Arum sa Boxing Voice.
Sakaling hindi matuloy ito ay sa Mayo na babalik ng ring ang 32-anyos at four-division champion na mayroong 33-3 panalo-talo baraha.
“If it’s not going to happen, the back-up plan is for Nonito to fight in Macau in May. He is popular in Macau and he can go to the May card,” dagdag ni Arum.
Bababa si Donaire sa super bantamweight division pero hindi pa batid ni Arum kung sino ang puwedeng makaharap nito sa kanyang pagbabalik dahil hindi pa sila nag-uusap sa bagay na ito.