Ali nagkaroon ng pneumonia

MANILA, Philippines – Naospital si boxing legend Muhammad Ali dahil sa pneumonia subalit inaasahang makakarekober dahil ma­aga itong nakita, ayon sa spokesman.

Ipinasok ang 72-anyos na si Ali sa isang ospital na hin­di ibinunyag ang lugar at kasalukuyan nang ginagamot ng isang  grupo ng mga duktor, sabi ni spokesman Bob Gun­nell.

“Because the pneumonia was caught early, his progno­sis is good with a short hospital stay expected,” wika ni Gun­nell sa isang statement.

Hindi na ibinigay ng spokesman ang kondisyon ni Ali.

Huling nakita ang boxing great, may Parkinson’s di­sease, sa publiko noong Setyembre nang dumalo sa Muhammad Ali Humanitarian Awards sa Louisville, Kentucky.

Isang three-time world heavyweight champion, si Ali ay nagkaroon ng Parkinson’s disease halos tatlong taon ma­tapos siyang magretiro sa boksing noong 1981.

Show comments