MANILA, Philippines - Bumaba man sa ranking ay nanatili pa rin ang Pilipinas bilang number one football country sa South East Asia base sa bagong labas ng FIFA.
Nasa 130th puwesto ang Azkals at kasalo ang Maldives sa puwesto. Mas mababa ito ng dalawang baytang kumpara noong nakaraang buwan (128) at ito ay dahil na rin sa kabiguan na umabante sa finals ng 2014 AFF Suzuki Cup.
Matatandaan na lumasap ng talo ang pambansang koponan sa Vietnam sa pagtatapos ng Group elimination bago nagtala ng scoreless draw at 3-0 pagkatalo sa Thailand sa semifinals.
Ang tinapos ng bansa sa football sa 2014 ay mas mababa naman kumpara sa naabot sa pagsasara ng 2013 dahil nasa 127th place ang Azkals sa nasabing taon.
Ang Vietnam ang nasa ikalawang puwesto sa 137th place habang ang Thailand na namuro na pagharin ang Suzuki Cup matapos ang 2-0 panalo sa away game kontra analo sa Malaysia,2-0, ay nasa ikatlong puwesto sa 142th puwesto.
Ang Myanmar ang nasa ikatlong puwesto sa 141 spot habang ang Malaysia (154), Singapore (157), Indonesia (159), Laos (160), Cambodia (179) at Timor Leste (185) ang kukumpleto sa talaan sa SEA countries.