Canelo sinagot ni Floyd ukol sa isyu sa Mayo 2

MANILA, Philippines – Kagaya ng dapat asahan, sinagot ni Floyd Mayweather, Jr. ang naunang patutsada sa kanya ni Mexican superstar Canelo Al­varez.

Sa panayam ng ESPN Deportes, sinabi ni Mayweather na ang kanilang upakan ni Pacquiao ang siya lamang dapat itakda sa Mayo 2 ng susunod na taon.

“I’m fighting May 2nd. Canelo is a great champion and a star but there is no fight out there that can compete with Mayweather-Pacquiao on May 2nd,” wika ni Mayweather.

Kamakalawa ay sinabi ni Alvarez na walang dapat umangkin sa Mayo 2 o mas kilala bilang ‘Cinco De Ma­yo’ dahil ito ay para lamang sa mga Mexicans.

May plano ang Golden Boy Promotions na isagu­pa si Alvarez kay Miguel Cotto ng Top Rank Promotions sa Mayo 2, 2015.

Ang ‘Cinco De Mayo’ ay isang Mexican holiday na nagpapahalaga sa ma­tapang na pagsagupa ng mga Mexican civilians la­ban sa French Imperial ar­my.

“Those are the Mexican holidays, and they belong to Mexican fighters. Every­body knows those are the Mexican holidays, and the traditional dates for the Mexican fighters,” pa­tutsada ni Alvarez kay Mayweather.

Tinalo ni Mayweather si Alvarez sa kanilang laban noong Setyembre ng 2013.

Ang sinuman sa 37-anyos na si Maywea­ther at 35-anyos na si Pacquiao ay walang dugong Mexican.

Tungkol naman sa pi­­na­plantsang mega showdown niya kay Pacquiao (57-5-2, 38 KOs) ay ipina­liwanag ni Mayweather (47-0, 26 KOs) kung ano dapat niyang tanggapin.

“I said yes to Pacquiao because he was talking a lot of lies. Bob Arum is lying to the public. We had the issues of drug testing, we offered him 40 million dollars and they said no,” sabi ni Mayweather.

“In Boxing there is an A-Side and a B-Side, that’s how the business works. If you’re the B-side you have to take the B-side of negotiations. But we de­finitely want the fight, May­weather-Pacquiao, May 2nd,” dagdag pa nito.

Ayon sa American world five-division titlist, hindi na dapat umasa ang Filipino world eight-division champion na makakakuha ng $40 milyon sa kanilang laban.

Show comments