Blazers wagi sa Spurs; Lopez nagkaroon ng injury

PORTLAND, Ore. – Nakatikim ng kamalasan ang Trail Blazers sa dapat sana ay isang magaang na panalo laban sa San Antonio Spurs.

Nabalian ng kanang kamay si starting center Robin Lopez sa third quarter ngunit tinalo pa rin ng Portland ang San Antonio,108-95.

“It's a little frustrating,” sabi ni Lopez. “I've been pretty fortunate with injuries in my career.”

Sa pag-upo ni Lopez ay si Chris Kaman, naging ma­hu­say na backup kay Lopez ngayong season matapos kunin ng Portland bilang isang free agent, ang aasahan ng Trail Blazers sa shaded lane.

Humakot si LaMarcus Aldridge ng 23 points at 14 rebounds para sa kanyang ika-13 double-double ngayong season para pamunuan ang Portland.

May 23 markers din si Damian Lillard bukod sa kan­yang career-high 10 rebounds para sa Trail Blazers.

Naipanalo ng Portland ang pito sa kanilang huling 10 asignatura.

Nagtala naman si Kawhi Leonard ng 21 points at 9 re­bounds sa panig ng Spurs na 10 players lamang ang nagamit sa laro.

Ipinahinga ng San Antonio si Tim Duncan matapos mag­lista ng 15 points at 9 rebounds sa kanilang huling pa­nalo.

Bukod kay Duncan, hindi rin nakalaro para sa Spurs dahil sa injuries sina Manu Ginobili (lower back bruise) at Tony Parker (strained left hamstring).

Si Tiago Splitter ay nagpapagaling ng kanyang high calf injury, habang si Patty Mills ay nagmula sa offseason right shoulder surgery.

Sa iba pang laro, tinalo ng Indiana ang Los Angeles Lakers, 110-91; giniba ng Cleveland ang Charlotte, 97-88; at pinayukod ng LA Clippers ang Detroit, 113-91.

Show comments