^

PSN Palaro

Lakers pinatahimik ang Wolves Kobe nalampasan na si Jordan

Pilipino Star Ngayon

MINNEAPOLIS--Nahigitan ni Kobe Bryant ang maalamat na si Michael Jordan sa pagpuntos sa NBA nang tulungan ang Los Angeles Lakers sa 100-94 panalo laban sa Minnesota Timberwolves noong Linggo sa NBA.

Tumapos si Bryant taglay ang 26 puntos, mula sa 7-of-20 shooting, at inagaw niya ang ikatlong puwesto sa scorer’s list ng liga mula kay Jordan nang naipasok ang dalawang free throws sa 5:24 ng ikalawang yugto.

Siyam na puntos lamang ang kailangan ni Bry­ant para okupahan ang pangatlong puwesto at ngayon, ang 36-anyos at 6’6 shooting guard ay nakagawa na ng 32,310 puntos.

Nangunguna pa rin ang dating sentro ng Lakers na si Kareem Abdul Jabbar sa 38,387 puntos habang si Karl Malone ang nasa ikalawang puwesto sa 36,928 puntos.

Si Jordan ay nasa ika­apat na sa 32,292 puntos pero ginawa niya ang marka matapos lamang ang 1,072 laro.

“I appreciate being able to play this long. Careers normally don’t last this long. I really appreciate the opportunity to still be out there playing and performing and doing what I do,” wika ni Bryant na nasa kanyang ika-1,268 laro.

Nagpalabas din si Jordan ng mensahe ng pagbati sa nagawa ni Byant.

“I congratulate Kobe on reaching this milestone. He’s obviously a great player, with a strong work ethic and has an equally strong passion for the game of basketball. I enjoyed watching his game evolve over the years and I look forward to seeing what he accomplishes next,” wika ni Jordan na ngayon ay may-ari ng NBA team Charlotte Hornets.

Tunay na magiging memorable para kay Bryant ang araw na ito dahil siya rin ang nagtiyak ng panalo sa Lakers nang naisalpak ang jumper sa harap ng 19-anyos at No. 1 pick sa NBA Draft na si Andrew Wiggins para ibigay sa LA ang 97-94 kalamangan, may 62 segundo sa orasan.

 

ANDREW WIGGINS

BRYANT

CHARLOTTE HORNETS

KAREEM ABDUL JABBAR

KARL MALONE

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MICHAEL JORDAN

MINNESOTA TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with