Bryant nilampasan si Jordan sa all-time scoring list ng NBA

MANILA, Philippines - Tuluyan nang naakyat ni Los Angeles Lakers superstar Kobe Bryant ang ikatlong puwesto sa all-time scoring list ng NBA.

Ang dalawang freethrow ni Bryant sa first half ng kanilang laban kontra Minessota Timberwolves ang nagselyo ng bagong milestone sa kanyang 19-year-career.

Bago malampasan ang record ni Jordan ay walong puntos ang kinailangan ni Bryant.

Umusog sa ikaapat na pwesto ang Chicago Bulls legend na si Jordan sa kanyang naipong 32,292 points.

Pawang mga naging manlalaro ng Lakers ang nakapwesto sa top three ng may pinakamaraming nagawang puntos.

Nangunguna si Kareem Abdul-Jabbar na may 38,387 points, habang pumangalawa naman si Karl Malone na may 36,928 career NBA points.

Show comments