SACRAMENTO -- Kumamada si James Harden ng 44 points, kasama rito ang 10 sa overtime, para pangunahan ang Houston Rockets sa 113-109 panalo laban sa Sacramento Kings.
Itinabla ni Harden, ang leading scorer ng NBA, ang laro mula sa kanyang 3-pointer at binuksan ang extra period mula sa kanyang pitong sunod na puntos.
Nagdagdag si Trevor Ariza ng 15 points, habang nagtala si Patrick Beverly ng 15 points at 10 rebounds kasunod ang 14 at 13 markers nina Donatas Motiejunas at Jason Terry, ayon sa pagkakasunod.
Tumipa naman si Darren Collison ng 24 points kasunod ang 21 ni Ben McLemore sa panig ng Kings.
Sa Oklahoma City, sinamantala ng Thunder ang hindi paglalaro ni LeBron James para sa kanilang 103-94 panalo laban sa Cleveland Cavaliers.
Hindi naglaro si James dahil sa sumasakit niyang kaliwang tuhod.
At dahil dito ay nagwakas ang eight-game winning streak ng Cleveland.