^

PSN Palaro

Pinas kasama sa 6 na pagpipilian

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tumaas ang posibilidad ng Pilipinas na tumayo bilang punong-abala sa prestihiyosong FIBA Basketball World Cup.

Sa ulat ng FIBA.com, ang Pilipinas ay isa sa anim na bansa na kasama sa shortlist ng mga puwedeng pagdausan ng World Cup sa susunod na dalawang edisyon.

Bukod sa Pilipinas, ang China, Germany, France, Qatar at Turkey ang iba pang palaban sa hosting na gagawin sa 2019 at 2023 edisyon.

“We are extremely plea­sed to announce that six countries have expressed their interest in host the biggest basketball tournament in the world,” wika ni FIBA Secretary General at International Olympic Committee (IOC) member Patrick Baumann.

“The commitment to growing basketball as well as to stage first-class spor­ting events is something they all have in common,” dagdag ng FIBA official.

Ang pahayag na ito ng FIBA ay ginawa bago pa mangyari ang candidates workshop sa FIBA headquarters sa Geneva, Switzerland mula Dec.15 at 16.

Matatandaan na nagpa­hayag ang pangulo ng Sa­ma­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Manny V. Pangilinan ng kanyang kagustuhan na gawin ang World Cup sa bansa matapos ang makasaysayang pagbalik ng national team sa kompetisyon noong Agosto sa Spain.

Ipakikita ng SBP na inte­resado ang Pilipinas na kunin ang hosting sa pagpapadala ng delegasyon sa workshop na bubuuin nina Tourism Undersecretary  at Chief Operating Officer Domingo Ramon Enerio III, PBA chairman Patrick Gregorio, SBP executive director Sonny Barriors, deputy ED Butch Antonio, SBP logistics consultant Andrew Teh at Sean Ni­cholls na pangulo ng Octagon Asia-Pacific, isang sports marketing at advertising firm na nakabase sa Sydney, Australia.

ANDREW TEH

BASKETBALL WORLD CUP

BUTCH ANTONIO

CHIEF OPERATING OFFICER DOMINGO RAMON ENERIO

INTERNATIONAL OLYMPIC COMMITTEE

MANNY V

OCTAGON ASIA-PACIFIC

PILIPINAS

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with