MILO Marathon National Finals kanselado

MANILA, Philippines – Bunga ng inaasahang paghagupit ng bagyong ‘Ruby’ sa Metro Manila ay napilitang kanselahin ng mga organizers ang 38th MILO National Finals na nakatakda sana ngayong umaga sa Mall of Asia sa Pasay City.

“Due to the impending threat of Typhoon Ruby, the 38th MILO Maraton National Finals will not push through,” ayon sa official statement ng MILO Philippines.

“We will update all of our runners  once we have further details on when the Nationals Finals will be held,” dagdag pa nito.

Nauna na ring kinansela ng PBA ang nauna nang itinakda sanang laro ng Purefoods at Barako Bull sa Dipolog City dahil sa bagyong ‘Ruby’.

Show comments