^

PSN Palaro

Narayanan, Suede kampeon sa Asian Jrs

Pilipino Star Ngayon

TAGAYTAY CITY, Philippines--Pinayuko  nina Indian International Master Srinath Narayanan at Filipino Mikee Charlene Suede ang kanilang mga karibal para pormal na angkinin ang kani-kanilang mga titulo sa 2014 Asian Juniors and Girls Championships sa Tagaytay International Convention Center.

Bagama’t tiyak nang makakamit ang kanilang mga korona matapos ang eighth round noong Miyerkules ng gabi ay pinilit pa ring talunin nina Narayanan at Suede sina Renz Marvin Santos at Indian Pv Nandhidhaa, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang mga huling laro.

Ipinoste ng top-seeded na si Narayanan ang malinis na 8.0 points sa likod ng kanyang 7 wins at 2 draws para mapanatili ang kanyang Open division crown kasunod si FIDE Master Paulo Bersamina, tumalo kay Radcliff Paras ng Guam.

Nagsulong naman si Suede ng 7.5 points para angkinin ang girls’ division plum sukbit pa ang Woman International Master title.

Nakamit din ni Suede, isang Physical Education senior sa University of the Philippines, ang Woman Grandmaster norm, ayon kay Asian Chess Federation executive director at chief arbiter Casto Abundo.

Samantala, ilang bigating foreign players ang makikita sa aksyon sa pagsulong ng Philippine International Chess  Championship sa Celebrity Sports Plaza nga­yong hapon sa Quezon City.

Sina Russian Grand Masters Ivan Popov at Anton Demchenko, may ELO rating na 2622 at 2596, ayon sa pagkakasunod, ang tatayong No. 1 at No. 2 seeds sa torneong may nakalatag na $30,000 premyo.

Pangungunahan naman ni US-based Catalino Sadorra, may ELO rating na 2596, ang kampanya ng mga Filipino pawn pushers.

Ang iba pang Pinoy na sasabak sa torneo ay sina GMs Darwin Laylo (2500), Mark Paragua (2484), Ro­gelio Barcenilla (2455), Eugene Torre (2448) at Richard Bitoon (2413).

ANTON DEMCHENKO

ASIAN CHESS FEDERATION

ASIAN JUNIORS AND GIRLS CHAMPIONSHIPS

CASTO ABUNDO

CATALINO SADORRA

CELEBRITY SPORTS PLAZA

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

FILIPINO MIKEE CHARLENE SUEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with