Painters nagpalakas

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Kia vs NLEX

5:15 p.m. Ginebra vs Rain or Shine

 

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagpapa­lasap sa Aces ng ikalawang sunod nitong kamalasan ay pinalakas naman ng Elasto Painters ang kanilang tsansa sa isa sa dalawang automatic semifinals ticket.

Dumiretso ang Rain or Shine sa kanilang pang-anim na dikit na panalo ma­tapos gibain ang Alaska, 98-95, tampok ang pagbibida ni rookie guard Jericho Cruz sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Makakamit ng Elasto Painters ang isa sa dalawang automatic semis seat kung mananalo sila sa Ginebra Gin Kings bukas sa pagtatapos ng eliminas­yon.

“We’ve got to cap this off with a win on Sunday,” sabi ni coach Yeng Guiao sa kanilang ika-8 panalo sa kabuuang 10 laro.

Ang jumper ni Calvin Abueva ang nagbigay sa Aces ng 95-93 bentahe sa huling 27.9 segundo sa fourth quarter.

Nakuha naman ni Cruz ang mintis na ikalawang free throw ni Paul Lee para sa kanyang basket na nag-angat sa Elasto Painters sa 96-95 sa nalalabing 18.5 segundo.

Isang fastbreak layup ni Cruz ang naglayo sa Rain or Shine sa 98-95 sa natitirang 0.7 segundo matapos ang mintis nina Eric Menk at Abueva sa panig ng Alaska.

Samantala, kinansela ng PBA ang naunang iti­nakdang laro ng Purefoods Stars at Barako Bull ngayong alas-5 ng hapon sa Dipolog City dahil sa bagyong ‘Hagupit’.

Itatakda ang banggaan ng Hotshots at ng Energy sa alas-2 ng hapon sa Martes para sa tripleheader sa pagtatapos ng eliminas­yon.

Rain or Shine 98 - Lee 19, Cruz Jericho 16, Belga 16, Norwood 12, Chan 8, Quiñahan 8, Tiu 5, Almazan 5, Uyloan 3, Tang 3, Araña 2, Ibañes 1, Cruz Jervy 0.

Alaska 95 - Abueva 18, Menk 16, Baguio 12, Casio 12, Manuel 11, Thoss 8, Hontiveros 6, Dela Cruz 4, Exciminiano 3, Jazul 3, Banchero 2, Eman 0, Dela Rosa 0, Bugia 0.

Quarterscores: 18-23; 42-45; 67-73; 98-95.

Show comments