^

PSN Palaro

MP Hotel durog sa Cagayan

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinandalan ng Caga­yan Valley Rising Suns ang magandang ipinakita ng Fil-Am na si Randy Dilay para tambakan ang MP Hotel Warriors, 120-77 at manatiling walang talo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.

May 12 puntos si Dilay sa first half at nagsalpak siya ng tatlong triples sa apat na attempts para bigyan ang Rising Suns ng 65-39 kalamangan.

Hindi na pinaglaro sa second half si Dilay pero naroroon ang mga kasamahang sina Celedon Trollano, Abel Galliguez, Jarold Flores at Moala Tautuaa para hindi pabalikin ang Warriors na bumaba sa 1-5 karta.

Si Trollano na hindi starter ay may 24 puntos para sa Cagayan na kasalo uli ng Hapee Fresh Fighters sa unang puwesto.

Tumapos ang Cagayan taglay ang 58% shooting (43-of-74) kasama ang mabangis na 14  3-pointers.

Nakuha rin ng Jumbo Plastic Giants ang ikali­mang panalo matapos ang anim na laro gamit ang 82-59 pananaig sa AMA University Titans.

Si Dexter Maiquez ay may double-double na 17 puntos at 10 rebounds para sa Giants na nilimita­han ang Titans sa apat na puntos lamang sa unang yugto para sa malakas na panimula (16-4).

Mula sa 61-51 pagkakadikit sa final canto, nagsanib puwersa sina Maiquez at Jaymo Eguilos sa 8-0 bomba para tulu­yang patahimikin ang Titans.

 

vuukle comment

ABEL GALLIGUEZ

CELEDON TROLLANO

D-LEAGUE ASPIRANTS

DILAY

HAPEE FRESH FIGHTERS

HOTEL WARRIORS

JAROLD FLORES

JAYMO EGUILOS

JUMBO PLASTIC GIANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with