^

PSN Palaro

Special citation sa 4 na collegiate players

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bibigyan ng pagpupu­gay sina Troy Rosario, Jiovani Jalalon, Gelo Alo­lino at Baser Amer sa ga­ga­naping UAAP-NCAA Press Corps at SMART 2014 Collegiate Basketball Awards sa Huwebes sa Saisaki-Kamayan Edsa.

Ang sentro ng UAAP champion National University Bulldogs na si Rosario ay kikilalanin bilang Doctor J Breakthrough Player habang sina Jalalon, mula sa pumangalawang koponan sa NCAA na Arellano Chiefs, at Alolino ng NU ang mga Impact Players.

Si Amer, na starting point­­guard  ng NCAA five-peat champion San Beda Red Lions, ang bibigyan ng ACCEL Court General dahil sa husay sa pagdiskarte sa  loob ng court.

Ang seremonya ay suportado rin ng Smart Sports, Accel 3XVI at Kohl Industries na nagpapamahagi ng Doctor J alcohol, Bactigel hand sanitizer at Mighty Mom dishwashing liquid.

Sina champion coa­ches Eric Altamirano (NU) at Boyet Fernandez (SBC) ang tatanggap ng Coach of the Year awards habang sina Kiefer Ravena ng Ateneo Eagles, Earl Scottie Thompson ng Perpetual Help Altas, Ola Adeogun ng Red Lions, Mac Belo ng FEU Tamaraws at Jeron Teng ng La Salle Archers ang bubuo sa Mythical Five.

Ang mga Pivotal Pla­yers ay sina Anthony Se­merad (SBC) at Alfred Agora (NU) habang sina Glenn Khobuntin ng NU, Kyle Pascual ng San Beda at Almond Vosotros ng La Salle ang tatanggap ng Super Senior plum.

 

ALFRED AGORA

ALMOND VOSOTROS

ANTHONY SE

ARELLANO CHIEFS

ATENEO EAGLES

BASER AMER

BOYET FERNANDEZ

COACH OF THE YEAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with