Bersamina sumalo sa Indian IM sa liderato sa Asian Jrs. chessfest

MANILA, Philippines – Tinalo ni FIDE Master Paulo Bersamina si Candidate Master Marc Christian Nazario para saluhan sa unang puwesto ang nagde­depensang kampeon na si  IM Srinath Narayanan ng India sa 2014 Asian Juniors and Girls Chess Cham­pionships na idinadaos sa Tagaytay International Convention Center kahapon.

Hawak ang mga pu­ting piyesa, ginamit ni Ber­samina ang Queen’s Pawn Opening at napasuko si Nazario matapos ang 31 moves at itaas ang record sa 2-0 sa Open division na bukas para sa 20-anyos pababa.

Ang top seed sa Elo ra­ting na 2461 na si Narayan ay nanaig naman kay FM Sumiya Biguun para sa 2-0 karta rin.

Tumabla ang second seed IM na si Jan Emmanuel Garcia kay Haque Siam Ikramul ng Bangladesh para sa 1.5 puntos at makatabla ang tinalong manlalaro at si Nepalese Bibek Thing.

Si Thing ay tumabla kay Daryl Unix Samantila.

Sa girls division, pina­bagsak ni Kazakh WFM Sholpan Zhylkaidarova si WFM Marie Antoinette San Diego para sa 2-0 baraha at saluhan si Indian WFM Ruchu Pujari na tinalo si WFM Shania Mae Mendoza.

Nagtabla sina Indian players PV Nandhidhaa at J Saranya para magkaron ng 1.5 puntos tulad ni top seed WIM Maria Furtado na pinataob si Jerly Mae San Diego.

Ang ikatlong round sa nine-round tournament ay nilalaro pa habang isinusulat ang balitang ito.

Show comments