Aces umeskapo solong liderato inupuan uli

  Nag-unahan sa rebound sina Chris Banchero ng Alaska at Rico Villanueva ng NLEX. (Jun Mendoza)

Laro Ngayon

(Biñan, Laguna)

5 p.m. Blackwater

vs Talk ‘N Text

 

MANILA, Philippines - Alam ni American head coach Alex Compton na makakabangon ang kanyang Alaska maski na tinambakan ng NLEX sa third period.

At ito nga ang nangyari.

Bumalikwas ang Aces mula sa 15-point deficit sa third quarter at resbakan ang Road Warriors, 90-84, para patibayin ang kanilang paghahabol sa isa sa dalawang outright semifinals berth sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

“Coming into this game our scouting report showed that they’re the highest fieldgoal shooting team,” sabi ni Compton sa NLEX. “We knew that it’s a big defensive challenge for us. Ang dami naming iniisip diyan.”

Kinuha ng Road Warriors ang 56-41 abante sa 5:10 minuto ng third period bago nakatabla ang Aces sa 67-67 sa gitna ng fourth quarter sa pamumuno ni veteran gunner Dondon Hontiveros.

Ang split ni Rico Villa­nueva ang pinakahu­ling pagkakataon na naha­ka­wan ng NLEX ang unahan sa 82-76 bago ang pagtutuwang nina Hontiveros, Calvin Abueva, JVee Casio at Sonny Thoss kasabay ng paghihigpit ng depensa ng Alaska para sa kanilang 86-82 bentahe sa natitirang 20.6 segundo.

Umiskor si Hontiveros ng 21 points, tampok dito ang 5-of-9 shooting sa three-point range at 6-of-7 clip sa free throw line, para sa ikalawang sunod na panalo ng Aces.

Muling sinolo ng Alaska ang liderato sa kanilang 8-1 rekord kasunod ang San Miguel (7-1), Rain or Shine (6-2), Ginebra (5-3), Talk ‘N Text (5-3), nagdedepensang Purefoods (5-3), Meralco (4-4), Globalport (4-5), NLEX (3-6), Barako Bull (3-6), Kia (1-8) at Blackwater (0-9).

Nagdagdag si Abueva ng 16 markers kasunod ang tig-11 nina Thoss, Casio at Cyrus Baguio para sa Aces.

Samantala, sasagupain ng Tropang Texters ang Elite ngayong alas-5 ng hapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.

Alaska 90 - Hontiveros 21, Abueva 16, Baguio 11, Thoss 11, Casio 11, Manuel 8, Jazul 7, Banchero 3, Exciminiano 2, Eman 0, Dela Rosa 0, Bugia 0, Menk 0, Dela Cruz 0.

NLEX 84 - Borboran 22, Cardona 14, Villanueva J. 13, Taulava 10, Villanueva E. 9, Arboleda 6, Ramos 4, Canaleta 2, Camson 2, Arboleda 2, Hermida 0, Raymundo 0, Apinan 0, Baloria 0.

Quarterscores: 23-15; 40-42; 55-58; 90-84.

 

Show comments