^

PSN Palaro

Pinas palaban sa gold sapool events sa 2015 SEAG

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naapektuhan ang ha­nga­­rin ng BSCP na huma­kot ng mga medalya sa 2015 SEA Games dahil sa diskarte sa iskedyul ng laro ng host Singapore.

Sa panayam sa pa­ngulo ng BSCP na si Bong Ilagan, kanyang sinabi na halos pinagsabay-sabay ng host country ang mga events sa billiards dahilan para maging imposible ang tokahan ng maraming laro ang isang atleta mula sa ibang bansa.

“It’s a way para hindi puwede na isang manla­laro ay maglalaro ng ilang events dahil magkakasa­bay halos lahat. Kaya marami ang maaapektuhan nito at papabor sa host country,” wika ni Ilagan.

Binawasan din ang events sa pool sa kababaihan dahil 9-ball singles na lamang ang paglalabanan dito. Ang men’s pool ay magkakaroon ng singles at doubles.

Nakikita naman  ni Ilagan na hindi mabobokya ang Pilipinas dahil mala­kas ang panlaban sa pool events lalo na sa kababaihan matapos magpasiklab ang 15-anyos na si Cheska Centeno sa World Juniors Pool Championships nang manalo ng bronze medal sa kompetisyong ginawa sa Shanghai, China kamakailan.

Bukod kay Centeno ay naririyan pa sina Rubilen Amit at Iris Ranola na dating mga SEA Games champion.

Ang kalalakihan ay pa­ngungunahan nina Den­nis Orcollo at Carlo Bia­do habang si Francisco “Django” Bustamante ay nagdesisyon na maglalaro uli matapos umakto bilang coach noong 2013 SEAG sa Myanmar na kung saan sina Orcollo at Amit ay nagkampeon sa 10-ball.

“May mga mahuhusay na rin tayong snooker pla­yers habang may laban din sa carom. Sa tantiya ko, kayang makakuha ng at least dalawang gold medals sa Singapore,” may kum­piyansang pahayag ni Ilagan.

 

BONG ILAGAN

CARLO BIA

CHESKA CENTENO

ILAGAN

IRIS RANOLA

ORCOLLO

RUBILEN AMIT

SHY

WORLD JUNIORS POOL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with