Palami humanga sa laro ng Azkals vs Indons
HANOI – Ito na ang pinakamagandang inilaro ng Philippine Azkals matapos noong 2010.
Sa loob ng 90 minuto, ipinakita ng Azkals ang kanilang dominasyon laban sa Indonesia para kunin ang 4-0 panalo at makapasok sa semifinal round ng 2014 AFF Suzuki Cup.
Ito ang unang panalo ng mga Pinoy booters sa mga Indons sa halos 80 taon.
“Sometimes it makes it ask: We’re we really that good or were they just that bad? But then if you look at how we played the ball, the possession with 81 percent accuracy based on stats on passing, I think that was the best game I’ve seen the Azkals play ever since I took over management in 2010,” sabi ni team manager Dan Palami.
Sa pagtanggap sa kanilang mga papel, nakamit ng Azkals ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa Group A para umabante sa semis anuman ang maging resulta ng kanilang laro ng host Vietnam sa Biyernes.
Noong 2010 ay ginimbal ng Azkals, ang Vietnam, 2-0, patungo sa semis ng AFF Suzuki Cup.
Ang naturang pagkapahiya ang inaasahang gagamitin ng Vietnam para makaganti sa Azkals sa kanilang muling pagkikita sa Biyernes.
Tinalo ng mga Vietnamese ang Laos, 3-0, kasunod ang kanilang 2-2 draw sa Indonesia.
- Latest