Pacers hiniya ang Mavs

DALLAS – Kumamada si Donald Sloan ng 29 points at pitong Indiana Pacers ang umiskor ng double figures sa kanilang 111-100 panalo laban sa Mavericks.

Bumandera ang Pacers sa kabuuan ng second half at nagtala ng season high sa points at dinuplika ang kanilang season high sa field-goal percentage (48.1).

Humugot ang Indiana ng double-double kay Luis Scola, nagtala ng 14 points at 11 rebounds, habang nagdagdag sina Solomon Hill at Rodney Stuckey ng tig-12 points kasunod ang tig-11 nina Chris Copeland at Damjan Rudez at 10 ni Ian Mahinmi.

Sa Salt Lake City, tinalo ng Chicago Bulls ang Utah Jazz, 97-95.

Nangailangan ang Chicago ng isang basket kay Mike Dunleavy at isang free throw kay Pau Gasol sa huling mga segundo ng laro para ipanalo ang Chicago.

Sa Toronto, pinayuko ng Raptors ang Phoenix Suns, 104-100, kung san umiskor si Jonas Valanciunas ng career-high na 27 points at 11 rebounds.

Show comments