Wagdos, Miranda sa Davao leg

DAVAO City, Philippines –Inangkin nina Sonny Wagdos at Judelyn Miranda ang titulo sa men’s at women’s 21K event ng Davao leg ng 38th National MILO Marathon.

Nagtala si Wagdos ng oras na 01:13:59 para talunin sina Michale Jan Echalico (01:15:03) at Gilbert Maluyo (01:18:13) sa pinakahuling qualifying leg ng National MILO Marathon season.

Ito ang unang panalo ng 20-anyos na University of Mindanao student sa kanyang unang pagsali sa 21K event matapos ang apat na taon na paglahok sa MILO Marathon.

Nagsumite naman si Miranda ng tiyempong 01:33:55 para ungusan sina Madelyn Carter (01:49:43) at Daisy Joy Dayondon (01:58:09).

Ang 29-anyos na si Miranda ng Tagum City ang nagreyna sa 2013 Butuan leg ng National MILO Marathon.

Kapwa tumanggap sina Wagdos at Miranda ng premyong P10,000 at makakasama sa mga elite runners na tatakbo sa National Finals sa Manila sa December 7.

 

Show comments