Team Mercenary pinasikip ang labanan sa Group B

MANILA, Philippines –  Binigo ng Team Mercenary ang FEU-NRM, 89-84, para pasikipin  ang labanan sa Group B sa 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong  Martes ng gabi  sa Marikina Sports Center, Marikina City.

Si Vaughn Canta ay gu­mawa ng 22 puntos para pangunahan ang Team Mercenary na ginagabayan ni playing-coach Nic Belasco sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at suportado ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, at Tutor 911. Nagdagdag ng tig-15 puntos ni Ryan Wetherell at Shawn Weinstein para sa koponan.

Kumulekta naman ng 18 puntos, 11 rebounds, at anim na assist  si Edwin Asoro para sa FEU-NRMF.

Bunga ng panalo, tabla sa ikatlong puwesto ang Mercenaries at Tamaraws sa 5-2 record sa Group B. Nangunguna pa rin sa  grupo ang Siargao Le­gends (4-0) pumanga­lawa ang Sealions (3-1).

Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague.

Show comments