^

PSN Palaro

Bilang na ang araw ng mga import sa UAAP

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bilang na ang araw ng mga foreign players sa University Athletic Association of the Philippines.

Kahapon ay inihayag ni UAAP secretary-treasurer Rodrigo Roque. ang athletic director din ng host school University of the East, ang unti-unti nilang pagtatanggal sa mga fo­reign athletes.

“Only one foreign player or athlete will be allowed to play. This will apply to all sports events for the 78th UAAP season,” wika ni Roque sa lingguhang PSA sports forum sa Shakey’s sa Malate, Manila.

At sa mga susunod na season ay tuluyan nang isasara ng UAAP ang pin­tuan sa mga foreign athletes, dagdag ni Roque.

Inaasahang maaapek­tuhan ng bagong patakaran ng UAAP sa men’s basketball ay ang Natio-nal University Bulldogs na sumandal kay Nigerian import Alfred Aroga sa pang-angkin sa korona ng nakaraang 77th Season laban sa Far Eastern University Tamaraws.

Isinalang naman ng Tamaraws si American Anthony Hargrove para bantayan si Aroga.

Sinabi ni Roque na papayagan ng UAAP ang pag-lalaro ng mga Fil-Foreign athletes sa lahat ng sports events dahil sa pagkakaroon nila ng dugong Pinoy.

“Iyong mga Fil-Foreign, okay tayo dun kasi may dugo naman silang Pinoy eh,” wika ni Roque.

ALFRED AROGA

AMERICAN ANTHONY HARGROVE

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

FIL-FOREIGN

PINOY

RODRIGO ROQUE

UNIVERSITY ATHLETIC ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY BULLDOGS

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with