MANILA, Philippines – Ito na ang unang matinding hamon na nalampasan ni top seed Patrick John Tierro.
Nagmartsa si Tierro sa third round matapos lusutan ang bagitong netter na si Marcen Angelo Gonzales, 6-4, 6-3, sa 33rd Philippine Columbian Association (PCA) Open na inihandog ng Cebuana Lhuillier at Metro Global Holdings kahapon sa PCA indoor shell clay court sa Paco, Manila.
“Magagaling na ang mga bata kasi these days,” sabi ni Tierro kay Gonzales. “Palo lang nang palo kasi nothing to lose sila.
Makakahara ng 29-anyos na si Tierro, hangad ang korona matapos ang apat na beses na pagiging runner-up sa torneo, sa third round si Bernardine Siso na nagtala ng 7-6 (5), 6-2 panalo laban kay Angelo Esguerra sa torneong suportado ng Dunlop, Fujidenzo/Whirlpool, Babolat, Hon. Emmanuel “Manny” Pacquiao, Head, Accel, Malate Bayview Mansion, Coca-Cola Bottlers Phils. Inc., Philippine Prudential Life Insurance Company Inc. at Seno Hardware.
Ipinagpatuloy naman ni defending champion Johnny Arcilla ang kanyang kampanya nang dominahin si Alberto Villamor, 6-0, 6-0.
Makakalaban ng eight-time champion na si Arcilla si Jed Olivarez na pinatalsik si No. 14 Dheo Talatayod, 6-2, 6-2.
Ang iba pang umabante sa third round ay sina 2013 runner-up at third seed Marc Anthonry Reyes, fifth pick Rolando Ruel Jr., No. 6 Alberto Lim Jr. at No. 7 Marc Anthony Alcoseba.