MANILA, Philippines – Malinaw na ang matin-ding depensa ang nagbibigay ng panalo sa Tropang Texters.
Sa 80-72 paggiba sa Meralco noong Nobyembre 11 ay nilimita ng Talk ‘N Text ang una sa dalawang fieldgoals sa huling limang minuto ng fourth quarter para ilista ang kanilang ikatlong sunod na panalo.
Sa naturang laro, tumapos si Ryan Reyes na may 17 points para sa Tropang Texters.
Puntirya ang kanilang pang-apat na sunod na ratsada, sasagupain ng Talk ‘N Text ang Globalport ngayong alas-7 ng gabi sa 2014-2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Kumpara sa Tropang Texters ni coach Jong Uichico, nanggaling naman ang Batang Pier ni Pido Jarencio sa 83-86 kabiguan sa Rain or Shine noong Nobyembre 12.
Hawak ng Alaska ang liderato sa kanilang malinis na 6-0 record kasunod ang San Miguel (5-1), Ginebra (5-2), Rain or Shine (5-2), Talk ‘N Text (4-2), Meralco (3-3), Globalport (3-3), nagdedepensang Purefoods (2-3), NLEX (2-4), Barako Bull (1-5), Kia (1-6) at Blackwater (0-6).
Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon aasintahin ng Hotshots ang unang back-to-back wins sa pagsagupa sa Elite ni Leo Isaac.