Phl beach volley teams umiskor

PHUKET, Thailand – Umiskor ng dalawang panalo ang Pilipinas sa beach volleyball ngunit nabigo naman sa women’s 3x3 basketball sa 4th Asian Beach Games.

Tinalo nina Edmar Bonono at Edward Ybañez sina Abdul Hameed Adnan at Mohamed Nihad ng Maldives, 21-9, 21-12, sa Karon Central Beach.

Dinuplika naman ito nina Jade Becaldo at Louijie Tip­­gos nang magtala ng 16-21, 21-13, 15-11 panalo kontra kina Al Hashmi Mazin at Al Subhi Badar ng Oman.

Kailangan ng dalawang pares na manalo ng tatlo sa kanilang limang laro sa elimination round para makapasok sa medal round.

Natalo naman ang Perlas Pilipinas sa 3x3 women’s basketball matapos malasap ang 11-12 kabiguan sa Mongolia at lalabanan nila ang China sa isang ‘do-or-die’ match ngayon sa Karon Park.

Show comments