Petron dumalawa sa Cignal

Laro Ngayon

(Cuneta Astrodome)

2 p.m.  Cignal vs Mane ‘N Tail (W)

4 p.m. Foton vs RC Cola-Air Force (W)

6 p.m.  PLDT-Air Force vs Maybank (M)

 

MANILA, Philippines - Nagbigay ng mas ma­tinding laban ang Cignal HD Lady Spikers pero handa pa rin ang Petron Lady Blaze Spikers na maliitin ito.

Dalawang errors mula sa Cignal ang siyang nagbigay ng 25-18, 25-12,18-25, 16-25,16-14, panalo sa Petron para sa ikaanim na sunod na panalo sa 2014 Philippine Superliga Grand Prix na handog ng Asics kahapon sa Cuneta Astrodome, Pasay City.

Nagtala ng 23 puntos si Dindin Santiago mula sa 18 kills, tatlong aces at dalawang blocks habang sina Carmina Aganon at Frances Molina ay naghatid ng tig-16 para punuan ang di magandang pagla­laro ng import na si Alaina Bergsma at palakasin ang pagi­ging patok sa kam­peonato sa ligang inorganisa ng Sports Core at suportado ng Air 21,  Mikasa, Mueller Sports Medicine, Healthyway Medical,Generika Drugstore, LGR at Jinling Sports bilang technical partners.

Si Bergsma ay may 15 hits lamang pero nagka­roon pa rin ng 57 excellent sets si Brazilian setter Erica Adachi dahil sa magandang laro ng mga locals.

Ito ang ikatlong pagka­talo ng Cignal sa anim na laro upang ibigay sa RC Cola-Air Force Raiders ang solo pangalawang puwesto sa 3-2 karta. (ATan)

 

Show comments