Sa panukalang regional sports cooperation Juico suportado ng Asian countries
MANILA, Philippines – Isasakatuparan ng mga Southeast Asian sports leaders ang panukala ni Filipino athletics’ chief Philip “Popoy” Juico na magkaroon ng isang regional sports cooperation para makasabay sa mga bigating bansa sa Asia.
Sa Southeast Asian sports summit sa Singapore kamakalawa, ipinursige ni Juico, ang presidente ng Philippine Amateur Track and Field Athletic Association (PATAFA), ang sports cooperation sa hanay ng mga miyembro ng Southeast Asia kagaya ng ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) para mapataas ang kanilang athletic standards.
Idinaos ang nasabing summit, ayon kay Juico, dahil sa mahinang ipinakita ng mga Southeast Asian nations sa nakaraang 2014 Asian Games sa Incheon, Korea kung saan apat na gold medals lamang ang kanilang nakamit sa kabuuang 141 sa athletics.
“That was less than three percent of the overall number, which was very disappointing and alarming,” wika ni Juico.
Ito ang nagtulak kay Singapore athletic federation president Tang Wang Sey na sulatan ang mga member nations ng Southeast Asia para talakayin ang problema at hanapan ng solusyon.
“My proposal was to mirror or mimic the ASEAN economic approach, but this time, in athletics. Everyone was enthusiastic about the idea, especially Malaysia, Thailand and Singapore, and soon, we will do the parameters on how this can be achieved,” sabi ni Juico.
Kinatigan ni pole vault legend Sergey Bubka ng Ukraine ang nasabing proposal ni Juico.
Sa plano ni Juico, bawat bansa ay may events na tututukan at mas magiging matipid ito sa halip na isang bansa ay tututok sa lahat ng events sa athletics.
“The Philippines, for example, will take care of long distance events such as marathon, the 10,000 meters, etc. Thailand on the other hand, will concentrate on the sprint events; another country will focus of the throw events,” paliwanag ni Juico.
Isa pang pagpupulong ang gagawin para iporma ang plano at tutulong rito si Bubka.
- Latest